Pag-usbong ng Negosyo sa Gitna ng Kahirapan: Gabay tungo sa Kabuhayan

Pag-usbong ng Negosyo sa Gitna ng Kahirapan: Gabay tungo sa Kabuhayan

Sa bawat barangay, parte na ang mga munting tindahan kung saan pwedeng bumili ng mga pangmeryenda o ‘di kaya ay takbuhan para bumili ng mga kulang na sangkap sa niluluto o agarang pangangailangan sa bahay. Sa bawat pagtawag ng “Pabili po!”, makakabili ka na agad dahil siguradong ang hanap mo ay naroroon.

Pero sa hindi inaasahang panahon, dumating ang pandemyang nagpabago sa mga pang-araw-araw nating gawain at tila ba nagpahinto sa buong mundo. At sa krisis na ito, kabilang sa mga naapektuhan ang mga tindahan.

SariGitna Ng Pandemya — Hapinoy - Pag Usbong Ng Negosyo Sa Gitna Ng Kahirapan Gabay Tungo Sa Kabuhayan title=Sari Sari Store Sa Gitna Ng Pandemya — Hapinoy style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRPop7zx3B3xzp5r0DvVfoyX2_1QR8i2nXX63GG4anlJByuhbcYOMiaeiDFMz2JWoH665I&usqp=CAU'; />

Pandemya, pagbabago, at pagsubok Kasabay ng pagdedeklara ng community quarantine sa Metro Manila at iba’t ibang lugar sa bansa noong Marso, karamihan ng mga tindahan ang nakaranas ng mga pagbabago sa kanilang negosyo at nasubok sa pagpapatakbo ng kanilang tindahan. Dahil limitado ang transportasyon at karmihan ng mga pamilihan ay may limitadong supply ng mga produkto at oras ng pagbubukas, naging isang pagsubok sa mga sari-sari store owners ang pamimili ng kanilang imbentaryo. Dumagdag pa rito ang mahabang pila na kanilang nararanasan tuwing namimili, pati na rin ang panganib na magkaroon ng sakit sa paglabas ng kanilang bahay.

Philippine Collegian Tomo 97 Special Covid 19 Issue By Philippine Collegian

“Bumaba po talaga ang benta kasi ‘yong iba namili na rin. Imbak nila para ‘di masyado maglalabas, ” kwento ni Tita Cherle, isang sari-sari store owner mula sa Carigara, Leyte. Maliban sa limitadong kilos, ang pagbaba ng benta at kita ang pinakamabigat na pagsubok na kanilang nararanasan simula ng nagkaroon ng pandemya. Ang madalang na paglabas ng mga mamimili bilang pagsunod sa community quarantine at pagbabago sa pamimili ng mga konsyumer ay nagdulot ng matumal na kita at kakulangan sa puhunan para sa tindahan.

Kaya naman, may mga sari-sari store owners na piniling magsara muna. Ngunit para sa ilang negosyante, tuloy pa rin ang pagtitindahan sa panahaon na katulad nito. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pagsubok, bakit nga ba nila pinili na magpatuloy sa pagbubukas ng tindahan?

Mananatiling bukas para sa pamilya Sabi ko kung maglo-lockdown, paano? Paano ‘pag nag-close ako, paano na lang? ‘Di lang ako, paano na lang din ‘yong mga customer na umaasa…” sagot ni Tita Eilene, isang sari-sari store owner sa Quezon City.

The Project Gutenberg Ebook Of Buntong Hininga, By Pascual De Leon

Marami sa mg sari-sari store owners na katulad ni Tita Eilene, ang tindahan ang nagsisilbi nilang pangunahing hanapbuhay. Pagbabahagi ni Tita Eilene, maliban sa kinikita ng kanyang asawa na OFW, ang kita mula rito ang sumusuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Kaya naman sa kabila ng matumal na benta at kahirapan sa paimmili, napagdesisyunan niya na magbukas pa rin ng tindahan na inaasahan niya para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Isa rin sa mga nagbukas pa ng tindahan ay si Tita Cherle na taga-Leyte. Kwento niya, “Sabi ko nga sa asawa ko, noong panahon na wala ‘to (COVID-19), open tayo. Tapos ngayong may ganito, hindi tayo pwedeng magsara kasi kung baga kailangan din tayo ng mga kalapit natin — kapitbahay natin, ‘yong mga customers natin… Kung kailan ganito ang sitwasyon magsasara tayo, e papaano natin sila matutulungan samantalang noong walang ganitong kalamidad, sila nakakatulong din naman sila sa atin.” Para kay Tita Cherle, ang pagbukas ng tindahan ay isang gampanin para mapagsilbihan ang kanyang komunidad. Naniniwala siya na sa panahon ngayon, ito ay isang paraan para mas mapalapit sa kaniyang mga mamimili ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Dahil sa pagiging exposed nila sa ibang tao, doble na rin ang pag-iingat ng mga sari-sari store owners para hindi magkasakit. Ang ilan ay naglagay ng cover sa harapan ng tindahan dahil bilang proteksyon sa kanila at sa kanilang mga mamimili. Katulad ni Tita Cherle, may ilan din na gumagamit ng mga containers o lalagyan ng bayad o sukli para mapanatili ang social distancing at maiwasan ang physical contact sa kada transaksyon. Ang pagsusuot ng face masks at madalas na pag-disinfect ay unti-unti ring naging parte sa buhay ng isang sari-sari store owner.

Ang Iba't Ibang Impormasyon Sa Tulong Para Sa Mga Negatibong Naapektuhan Ng Covid 19

Bangon, tindahan Sa kabila ng pagpapatuloy ng community quarantine, nagsimula ring magbukas ang iba’t ibang mga oportunidad para sa mga sari-sari store owners. May ilan sa kanila na nagdagdag ng mga paninda gaya ng mga gulay, prutas, at meat products na nakatulong para sa dagdag kita at para hindi na lumayo pa ang mga mamimili para makabili ng mga ito. May ilan din na nagsimulang mag-alok ng mga mobile services gaya ng loading, bills payment, at iba pa. Tunay nga nga na sa harap ng krisis, mas lumalabas ang pagiging madiskarte at matatag ng mga Pilipino, ng mga negosyante. Sa kabila ng pagsubok, tayo ay nakakahanap ng paraan para makabangon mula rito.

-

At sa pagbangong ito, layon ng na maging parte at patuloy na magsilbing katuwang ng mga sari-sari store owners na araw-araw lumalaban para sa kanilang negosyo, pamilya, at komunidad. Sa pagpapatuloy ng community quarantine, inilunsad ng , katuwang ang ActivAsia Inc. at iba pangmga kumpanya, ang TindaVan na isang mobile grocery. Layunin ng inisyatibong ito na maihatid ang mga produkto sa mga sari-sari store owners na nakakaranas ng kahirapan sa pamimili para sa kanilang imbentaryo.

Bilang pagsuporta sa mga sari-sari store owners na nagsisilbi ring mga frontliners sa komunidad, nakatuwang din ng ang Tiger Beer para makatipon ng halaga sa pamamagitan ng isang online benefit concert kasama si Bamboo. Higit sa lahat, sinimulan din ng ang Tulungan Tindahan, isang Facebook group na binuo upang magsama-sama at magtulong-tulong ang mga sari-sari store owners sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon tungkol sa tindahan ngayong may nararanasang pandemya.

Aralin Sa Kahirapan (lagman)

“Ngayon ko talaga nakikita ‘yong value ng pagnenegosyo ko, na dapat talaga pag-ingatan ko siya. Kasi nga in case sa ganito, dito ko siya maaasahan talaga. Saka kung baga kami lang ngayon ‘yong magkakampi na alam kong ‘pag ‘di ko siya pinabayaan, ‘di rin kami mawawalan. Sabi nga nila hangga’t may means kaya mong gumawa ng paraan, gawa ka ng paraan., ” kwento ni Tita Eilene sa kanyang napagtanto sa kahalagahan ng kanyang tindahan sa gitna ng krisis na ating nararanasan.

Tila huminto man ang mundo ngayong may pandemya, patuloy pa rin ang pagbubukas ng tindahan sa bawat bagong umaga na dumarating. Para sa mga sari-sari store owners, hindi hadlang ang krisis para magpatuloy at bumangong muli para makapaghatid ng serbisyo sa kanilang pamilya at komunidad.

-

(Ang mga litrato na ginamit ay mula sa mga Negosyantes na sina Francis Salud, Mitzigrace Bacalan, Belen Jimenez, at Emma Acol.)Ang pagbaba ng kita, kahirapan sa pamimili ng paninda, at kakulangan sa kapital — ilan lamang ito sa mga pagsubok na nararanasan ng isang negosyante gaya ng isang sari-sari store owner noong nagsimula ang pandemya sa bansa. At ang tanong ng marami, sa idinulot nitong krisis na hindi inaasahan ng lahat, paano nga ba maipagpapatuloy ang negosyo?

Yunit 1 Mga Isyung Pangkapaligiran At Pang Ekonomiya

Kaya naman ngayong Setyembre, inilunsad ng HapiSkwela, katuwang ang Tiger Beer, ang Puhunang Kaalaman: Diskarteng Pangtindahan sa Gitna ng Krisis. Ito ay isang exclusive online training para sa mga sari-sari store owners na naglalayon na makapagbigay ng kaalaman at pamamaraan sa pagtitindahan ngayong may pinagdaraanang krisis na dulot ng pandemya.

Dahil rin sa ating limitasyon na magsagawa ng face-to-face training, ang Puhunang Kaalaman ay isasagawa ng fully online gamit ang Facebook. Kaya naman maliban sa kaalaman, makakatanggap din ng load allowance ang mga qualified na sari-sari store owners para sa pag-access ng online training kada linggo.

Ilan pa sa mga benepisyong maaaring matanggap ay ang cash assistance, pangkalusugang kit laban sa COVID-19, at e-certificate para sa mga negosyante na parte ng training. Sa tulong ng mga ito, hangarin ng HapiSkwela at Tiger Beer na matulungan ang mga negosyante na muli nilang pagbangon at pagsisimula muli ng mas handa at mas maalam sa pagpapatuloy ng kanilang negosyo sa gitna ng krisis. At sa pamamagitan ng Facebook Group, layon din ng training na ito ang sama-samang pagkatuto mula sa mga diskusyon at pagpapalitan ng karanasan at ideya ng mga sari-sari store owners sa loob ng grupo.

Mga

Malakas Na Tinatamaan Ng Pandemya Ang Komunidad Ng Mga Pilipino Sa Hawaii

Sa pagsisimula ngayong buwan, ang training ay bukas para sa mga sari-sari store owners na taga-Metro Manila. Matapos ang unang grupo na ito, magbubukas muli ang training para sa mga negosyante mula sa ibang probinsya sa ating bansa na nais maging parte nito.

Sa gitna ng pandemya, ang pagtutulungan at hangarin na bumangon at magpatuloy ang mananaig sa kabi-kabilang pagsubok na nararanansan sa pagnenegosyo. Basta’t sama-sama at tulong-tulong, kayang-kaya ang pagbangon mula sa krisis!

‘Di pa huli para makasali sa ating mga trainings! I-click ang bit.ly/hapiskwela para sa free enrollment. Para sa iba pang detalye at updates tungkol sa online training, bisitahin lang ang HapiSkwela Facebook Page sa www.facebook.com/HapiSkwela.

Ap10 Q2 Mod4 Saloobin Tungkol Sa Epekto Ng Migrasyon Dulot Ng Globalisasyon Ver2.docx

Komentar

Label

Asignaturang Aspeto Bagong Bahagi Balagtas Balangkas Balita Bantayang Banyagang Bawat Bayan Bintana Birtwal Bokasyonal Boses Bughaw Buhay Bunga Burador Butil Creative Daang Daigdig Damdamin Deskriptibong DiAkademikong DiwaT Draft Dyornalismo Dyornalistik Editorial Editoryal Edukasyon Ekonomiks Ekonomiya Empowerment Epektibong Filipino Florante Gabay Gagamitin Galaw Gamit Ganda Gawaing Gitna Gumawa Hagdan HakaHaka Hakbang Halaga Halimbawa Hinaharap Hinaing Hindi HindiAkademiko Hiwaga Hudyat Ibang IbaTIbang Ideya Impormasyon Isang Isipan Iyong Jornalismo Jornalistik Kaalaman Kaalamang Kabanata Kabataan Kabatiran KabighaBighani Kabihasnan Kabihasnang Kabuhayan Kabuuan Kabuuang Kagamitang Kagandahan Kahalagahan Kahirapan Kahulugan Kaibigan Kaisipan Kaisipang Kakaibang Kalikasan Kaluluwa Kamalayan Kamay Kanilang Karanasan Karera Karunungan Kasanayan Kasaysayan Kasiyahang Katalinuhan Katangian Katinuan Katotohanan Kaunlaran Kayamanan Kilalanin Kilos Kinabukasan Kinabukasang Kolonyalismong Kolum Komunikasyon Konklusyon Kritikal Kultura Kulturang Kurso Kuwento Kwento Lakas Lakbay Landas Larang Larangan Laura Layunin Liham Lihim LikhaT Linangin Lipunan Liwanag Lunas Lupaing Maalamang Maayos Mabilisang Madaling MagAaral Magkaibang Magpapalalim Mahahalagang Mahusay Maihahandog Maikling Mainit Maipaliwanag Makabayang Makabuluhang Makikislap Makrong Makulay Malalim Maligayang Malikhaing Malinaw Maliwanag Mananaliksik Mapanagot Mapanuring Masayang Masining Masusing Mataas Matagumpay Matalas Matamis Matuwid Modernong Modulong Mukha Mundo Mundong Naglalakbay Nagmumula Nagpapakumbaba Nagsilbing Nakakabighani Negosyo Nilalaman Nilalang Nonfiction Paano PagAalaga PagAangkin PagAaral Pagbagsak Pagbasa Pagbuo Pagganap Paggawa Paghahanap Paghahatid Paghambing Paghubog PagIbig Pagiging PagIisip Pagkakaiba Pagkakaugma Pagkaunawa Paglabas Paglago Paglalahad Paglalakbay Paglalarawan Paglikha Pagmumulat PagmumuniMuni Pagnanais Pagnanasa PagninilayNilay Pagpapahalaga Pagpapahayag Pagpaplano Pagsisimula Pagsubok Pagsulat Pagsusulat Pagsusuri Pagtahak Pagtataglay Pagtatampok Pagtatanghal Pagtindig Pagtingin Pagtuklas Pagtutuon PagUnawa PagUnlad PagUsbong Pagwawakas Pahayag Pahina Pakikipagkomunikasyon PakikipagUgnayan Pamantayan Pamantayang Pampanitikan Pamumuhay Pamumuna Panahon Pananaliksik Pananaw Pandemya PangAkademiko Pangarap Panibagong Panitikan Panulat Papel Pasasalamat Patlang Patnubay Personal Piling Pilipino Pinto Plano Pondo Pormalidad Posisyong Propesyonal Proseso Pundasyon Pusong Reaksyong Referensyal Referential Rekomendasyon Reperensyal Repleksyon Replektibong Rough Rubriks Sagot Salamin Salaysay Salita Salitang Sanaysay Sandata Sanggunian Sariling Shang Sikreto Simula Sining Sulat Sulatin Sulating Suliranin Sulok Sultada Sulyap Sumusulong Tadhana Tagalog Tagapagsalaysay Taglay Tagumpay Talata Talima Taludtod Talumpati Tamang Teknikal Teknolohiya Tinig Titik Tuklasin Tungkol Tungo Tuwid Ugnayan Ugnayang Wikang Writing
Tampilkan selengkapnya